Gumamit ng Kulambo: Payo ni Doc Willie Ong

 


Gumamit ng Kulambo
Payo ni Doc Willie Ong
Gumagamit ka ba ng kulambo (mosquito net)? Kung hindi pa, puwede nyo ito subukan dahil sa mga benepisyo nito.
Kwento ko lang. May isang beses na nadapuan ako ng ipis sa mukha habang natutulog. At sa pagkagulat ko ay muntik ako mahulog sa kama. Mula noon, ay nagkulambo na ako.
Heto ang benepisyo:
1. Ang kulambo ay ginagamit upang harangin ang mga insekto at hayop tulad ng lamok, langaw, ipis, daga at kulisap.
2. Ang kagat ng lamok na nagdadala ng maraming sakit tulad ng dengue, malaria, Japanese encephalitis at iba pa. Nakamamatay itong mga sakit.
3. Sa gumagamit ng electric fan o air condition, may tulong din ang kulambo para hindi direkta na tumatama ang hangin sa mukha. Puwede kasi magdulot ng sore throat at panunuyo ng lalamunan kapag nakatapat sa hangin. Sa akin, pinapatungan ko pa ng manipis na tela ang ibabaw ng kulambo para pang-harang sa direktang hangin sa bibig.
4. Minsan may aksidente pa na mahuhulog ang ilaw o dumi mula sa kisame. Kahit papaano, makahaharang din ang kulambo.
5. Sa mga lugar na may malaria, may mga kulambo na may kasama nang insecticide. Ginagamit ito sa Africa at sa lugar na may malaria.
Maraming klase ang kulambo. Piliin ang angkot at nababagay sa inyo.

CLICK HERE


VISIT OUR TOP DEALS on LAZADA HERE





Comments

Popular posts from this blog

Mga Benepisyo ng Dahon ng SAMBONG

BAWASAN ANG PAGKAIN NITO: MAAARING MAGDULOT NG KANSER

Sinusitis at Sipon: Payo ni Doc Willie Ong