Ano ang mga sakit at kondisyon na maaaring magamot ng Pansit-pansitan?




Ano ang mga sakit at kondisyon na maaaring magamot ng Pansit-pansitan?
1. Rayuma. Mabisa laban sa nanakit na mga kasukasuan dahil sa rayuma ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng pansit-pansitan. Ang pagkain mismo sa dahon at sanga ng pansit-pansitan na parang gulay ay mabisang pang-alis sa kondisyong nararamdaman kaugnay ng rayuma.
2. Urinary Tract Infection (UTI). Pinapainom naman ng pinaglagaan ng dahon ang taong dumadanas ng impeksyon sa daluyan ng ihi.
3. Hindi pantay na kutis ng balat. Ang pagkakaroon ng kaibahan sa kulay ng kutis ay maaaring banlawan gamit ang pinaglagaan ng dahon ng pansit-pansitan.
4. Pigsa. Ang pigsa naman ay maaaring matulungan ng pagtatapal ng dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan.
5. Iritasyon sa mata. Ipinangpapatak sa mata na dumadanas ng iritasyon o implamasyon ang katas ng dahon at sanga ng pansit-pansitan.
6. Mataas na cholesterol. Nakatutulong din sa pagpapababa ng cholesterol sa dugo ang pagkain sa mga dahon ng pansit-pansitan.
7. Tagihawat. Para naman sa kondisyon ng pagtatagihawat, pinangtatapal sa apektadong bahagi ng balat ang dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan.


Visit our TOP DEALS on LAZADA HERE


Comments

Popular posts from this blog

Mga Benepisyo ng Dahon ng SAMBONG

BAWASAN ANG PAGKAIN NITO: MAAARING MAGDULOT NG KANSER

Sinusitis at Sipon: Payo ni Doc Willie Ong