Ano Ang Mas Masustansya? Payo ni Doc Willie Ong
Ano Ang Mas Masustansya? Payo ni Doc Willie Ong Para sa artikulong ito, magbibigay po ako ng dalawang pagkain, at piliin ninyo kung ano ang mas masustansya? Tingnan natin kung mahuhulaan ninyo ang tamang sagot. 1. Coffee or tea (Kape o tsa-a) Ang kape ay magandang pampagising at may konting tulong sa ating memory. Pero ang tsa-a naman ay may sangkap na catechins, na tinatawag na artery protector, panlaban sa bacteria at panlaban sa cancer. Ang Green tea ay mataas sa catechins. Kung gusto ninyo tumulad sa mga Chinese at Japanese na mas mababa ang insidente ng atake sa puso, subukan ang tsa-a. Winner: tsa-a o green tea. 2. Fried egg or hard-boiled egg (Pritong itlog or nilagang itlog) Kadalasan, ang mga pritong pagkain ay mas hindi healthy kumpara sa mga boiled, steamed o roasted. Kaya ang hard-boiled egg ay mas healthy at may 76 calories lamang. Pero ang fried egg ay umaabot sa 92 calories dahil sa taglay na mantika. Isa pa, mas safe ang hard-boiled egg kaysa sa soft-boiled o mala...