Mga Benepisyo ng Dahon ng SAMBONG
Mga Benepisyo ng Dahon ng SAMBONG (Blumea Balsamifera) at paano ito gamitin bilang halamang gamot.. Epektibo sa pagtunaw ng bato sa bato, pantulong sa mayroong hypertension at rayuma, sinisipon o nilalagnat, mabisa rin ito sa may diarrhea. Nakakatulong sa pagtanggal ng mga bulate, sakit ng tiyan, panggamot sa may UTI at masakit ang lalamunan. Ang Sambong ay nagtataglay ng malakas na antioxidants na tumutulong upang mapigilan ang sakit, stroke, at kanser sa cardiovascular. Ang sambong ay tumutulong upang mapigilan at maayos ang pinsala sa DNA na dulot ng mga free radicals. ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG SAMBONG? Sugat. Maaaring ipantapal ang dinikdik na dahon ng sambong sa sugat na hindi madaling maghilom. Makatutulong ito upang mapabilis ang paggaling sa sugat.. Lagnat. Dapat namang inumin ang pinaglagaan ng dahon at ugat ng sambong upang mapababa ang lagnat na nararanasan.. Karamdaman sa bato. Ang pag-inom din sa pinaglagaan ng dahon ng sambong ay mabisa upang mapabuti...

Comments
Post a Comment